"Naitala ang nilalamang danas na iniempake sa mga kahon ng pag-aasam at pag-asa." - Dr. Reuel Molina Aguila Daig ng kahit anong bigat ng isang balikbayan box ang damdamin ng bawat OFW, at ang pamilyang naiwan sa kani-kanilang mga tahanan. At sa librong ito naisakahon upang maiparating ang mga mumunting karanasan ng saya at takot sa pagsisimula, ang pag-iisa at pangungulila, ang pighati at pagbabakasali, at higit sa lahat ang pagkakaisa at pagtatagumpay ng ating mga bagong bayani sa ibayong dagat. Hindi kailanman malilimot ...
Read More
"Naitala ang nilalamang danas na iniempake sa mga kahon ng pag-aasam at pag-asa." - Dr. Reuel Molina Aguila Daig ng kahit anong bigat ng isang balikbayan box ang damdamin ng bawat OFW, at ang pamilyang naiwan sa kani-kanilang mga tahanan. At sa librong ito naisakahon upang maiparating ang mga mumunting karanasan ng saya at takot sa pagsisimula, ang pag-iisa at pangungulila, ang pighati at pagbabakasali, at higit sa lahat ang pagkakaisa at pagtatagumpay ng ating mga bagong bayani sa ibayong dagat. Hindi kailanman malilimot ang kani-kanilang mga kuwento. Patuloy na pupukaw sa ating mga pandama at magbabalik-bayan sa ating mga puso.
Read Less